Humakot ng medalya ang Pilipinas sa 31st Southeast Asian o Sea Games sa Hanoi, Vietnam.
Patuloy na nadaragdagan ang karangalan ng bansa kung saan, umakyat na sa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa nagpapatuloy na kompetisyon sa tulong ng mga Pilipinong atleta sa nasabing bansa.
Sa huling Medal Tally Board, umabot na sa 108 ang kabuuang bilang ng medalyang nasungkit ng Pilipinas kung saan, 30 ang gintong medalya ng Pinoy athletes mula sa iba’t ibang events.
Nasa 34 ang nakuhang silver medals habang 44 naman sa bronze medals.
Matatandaang inihayag ng Philippine Sports Commission na ang mga manlalarong mag uuwi ng karangalan sa bansa ay makakatanggap ng cash benefits base narin sa National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.