Humingi ng paumanhin si Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kay Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad althwaikh.
Ito’y sa kabila ng paninindigan ng Malakaniyang na hindi hihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging hakbang ng Philippine Embassy sa kuwait para sagipin ang mga distressed OFW’S duon.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, magpapadala sila ng pormal na liham sa Kuwaiti Government para ipaliwanag ang naging hakbang ng embahada ng Pilipinas sa nasabing lugar.
Nais lamang aniyang tiyakin ng Pilipinas na ligtas sa anumang panganib ang mga mamamayan nitong nagtatrabaho sa naturang lugar na nakararanas ng pang-aabuso mula sa kanilang mga amo.