Humiling ang embahada ng Pilipinas kay US President Joe Biden ng sobrang bakuna kontra COVID-19.
Sa pamamagitan ng sulat, ipinarating ni bansa ang hirit nito sa administrasyon ni Biden para sa sobrang Astrazeneca vaccines.
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, partikular nilang hiniling ang mga hindi na aprubahang bakuna ng Astrazeneca.
Ani Romualdez hindi lang naman ang Pilipinas ang gumawa nito kundi maging ang ibang bansa.
Sa ngayon umano ay pinag-aaralan na ng Amerika ang hirit na suplay ng bakuna ng Pilipinas.