Inihayag ng Palasyo na kanilang iginagalang ang desisyon ng Malaysia na ipagbawal ang pagpasok ng mga Pilipino sa kanilang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang desisyon ng Malaysia ay dahil may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ang Pilipinas.
Pagdidiin pa ni Roque, nakapanghihinayang ang desisyong ito ng Malaysia.
Giit ni Roque, walang magagawa ang Pilipinas dahil isang sovereign decision ang hakbang ng naturang bansa.
Mababatid na bukod sa mga Pilipino, hindi rin pinapayagang makapasok sa Malaysia ang mga Indian at Indonesian nationals.
Samantala, sa kaparehong anunsyo ng Malaysia, saklaw ng utos ang mga may hawak na long term passes, mga estudyante, expatriates at iba pa.