Umakyat ng halos 30 level ang Pilipinas para makapasok sa 95th spot sa usapin ng Ease of Doing Business.
Batay ito sa report ng World Bank kung saan tinutukan ang halos 200 ekonomiya.
Kabilang sa tinukoy na indicators ang pagsisimula ng negosyo, pagtutok sa construction permits, kuryente, pagpapa rehistro ng property, pag utang, pag protekta sa minority investors, pagbabayad ng buwis, trading across borders, pagpapatupad ng kontrata, pag resolba sa insolvency, at labor market regulation.
Ang pinakamalaking improvement ay natala sa pag-utang, na mula sa 5 nuong isang taon ay naging 40 na, pag protekta sa minority investors, at pagtutok sa construction permits.
Naitala rin ang mataas na iskor ng Pilipinas sa pagbabayad ng buwis, pagsusulong ng kontrata at pagpapa rehistro ng mga property.
Inihalintulad naman ni Department of Trade Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa pag akyat sa Mount Everest ang 95th rank ng Pilipinas na isang malaking hamon subalit tuloy- tuloy ang reform initiatives nila para mapalakas pa ang ease of doing business sa bansa.