Umakyat sa ika-apat na pwesto mula sa ika-anim ang Pilipinas sa mga bansang pinaka-lantad sa online o web threats, batay sa 2021 report ng Russian Cyber-Security at Anti-virus provider na Kaspersky lab.
Sa statistics ng Kaspersky Security Network (KSN), aabot sa limampung milyong web threat attempts ang na-detect at napigilan ng naturang cyber-security provider sa Pilipinas noong isang taon.
Indikasyon ito na mas mataas ang exposure ng mga Filipino sa mga panganib na dala ng internet, lalo ang mga nag-se-surf sa bahay, naka-work from home, nagba-bangko o nag-o-online study sa ikalawang taon ng COVID-19 pandemic.
Sa malware-detection history ng KSN, tumaas ng 433% ang cyberthreats na na-detect sa Pilipinas katumbas ng 50.5 million cyberthreat attempts noong isang taon kumpara sa 9.4 million noong 2017.
Nanguna naman sa global ranking Kazakhstan, Algeria, at Belarus.