Nasa ika-apat na puwesto ang Pilipinas sa mga bansang pinakabantad sa kalamidad dulot ng climate change.
Batay ito sa ginawang pag-aaral ng grupong German Watch na may pamagat na Global in the Climate Risk Index 2016.
Sinundan ng Pilipinas ang mga bansang Serbia, Afganistan at Bosnia na sinasabing nakatitikim ng matinding epekto ng extreme weather.
Nakasaad sa report na nitong 2014 lamang, milyun-milyong Pilipino na ang naapektuhan dahil sa sunud-sunod na bagyong tumama sa bansa partikular na ang bagyong Glenda.
Bukod pa ito sa tindi ng pinsalang tinamo ng bansa noong 2013 nang salantain ang Pilipinas ng super bagyong Yolanda na kumitil sa libu-libong buhay at aabot sa bilyong pisong halaga ng mga ari-arian.
By Jaymark Dagala