Tinukoy ng World Health Organization (WHO) na ikatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na pinaka apektado ng sakit na tigdas nitong nakalipas na mga taon.
Ayon sa WHO measles rubella update of August 2019, naitala sa bansa ang 45,847 na kaso ng measles mula noong July 2018 hanggang June 2019.
Nangunguna naman sa listahan ang Madagascar na mayroong 150, 976 kaso ng tigdas at Ukraine na mayroong 84, 394 cases.
Sinabi pa ng WHO na patuloy kumakalat ang measles outbreak na nagdudulot ng panganib sa milyon-milyong katao sa buong mundo.