Ikatlo ang Pilipinas sa may 67 mga bansa sa mundo na pinaka-apektado ng climate change batay sa ulat ng HSBC.
Nanguna sa nasabing listahan ang India na sinundan naman ng mga bansang Pakistan, Bangladesh, Oman, Sri Lanka, Colombia, Mexico, Kenya at South Africa.
Kabilang din sa mga sinuri ng HSBC ang pagiging sensitibo ng mga nabanggit na bansa sa weather events, pagiging bantad sa energy transition risk at kakayahang makatugon sa climate change.
Samantala, naitala naman ang mga bansang Finland, Sweden, New Zealand, Norway at Estonia sa limang bansa na nakatutugon naman sa mga hamong dala ng climate change.