Hindi mahahadlangan ang pagpapababa ng alert level status kung patuloy na bababa ang Covid-19 cases sa bansa.
Ito ang iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III matapos muling makapagtala ang Pilipinas ng mababang kaso ng Covid-19, kahapon.
Ipinaliwanag ni Duque na kasalukuyang nasa low-risk negative 40 two-week growth rate at moderate-risk average daily attack rate na ang Pilipinas.
Sa ngayon ay halos 60 milyong pilipino na ang bakunado laban sa Covid-19.