Inaasahang mangunguna pa rin ang Pilipinas pagdating sa pag-iimport ng bigas sa buong mundo ngayong taon.
Ito ang naging resulta ng ginawang pag-aaral ng Department of Agriculture ng Estados Unidos.
Habang pumapangalawa naman sa bansa ang China, sinundan ng Indonesia, European Union, Nigeria at Iraq.
Matatandaang sa datos ng Bureau of Plant Industry mula Enero 1 hanggang Disyembre 22 ng nakalipas na taon umabot na sa 3.22 million metric tons ang inangkat na bigas ng bansa.
Habang posible naman umabot sa 3.8 million metric tons ang aangkating bigas ng bansa ngayong taon.