Tatlo pang bansa ang magdo-donate ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, 1.5 milyong doses ng Pfizer vaccine, isang milyong doses ng Astrazeneca at tatlong milyong iba pa ang i-do-donate ng tatlong bansa.
Gayunman, hindi pinangalanan ni Galvez ang mga bansang magdo-donate.
Ilan sa supply ng bakuna ng Pilipinas ay donasyon mula Sa China, U.S., United Kingdom, United Arab Emirates, Japan at ng Covax facility.—sa panulat ni Drew Nacino