Iniakyat na ng Pilipinas sa Asia-Europe Meeting ang issue ng agawan sa West Philippine Sea.
Sa kabila ng pagtutol ng China, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na patuloy na kikilalanin ng Pilipinas ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration kung saan pumabor ito sa Pilipinas kontra China sa pinagtatalunan nilang bahagi ng South China Sea.
Ang Asia-Europe Meeting sa Mongolia ang kauna-unahang pagpupulong na dinaluhan ng Administrasyong Duterte sa labas ng bansa.
Samantala, una nang nanindigan ang China na hindi Asia-Europe Meeting ang wastong lugar para pag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea.
By: Avee Devierte