Sinelyuhan ng Pilipinas at Indonesia ang mga panuntunan kaugnay sa paglalatag ng pundasyon para sa delimitation ng kani-kanilang Continental Shelf Boundary.
Ang Continental Shelf Boundary ay kapwa priority ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia.
Ayon sa DFA, magkakasabay na nilagdaan ng mga kinatawan ng dalawang gobyerno.
Sa pamamagitan ng video conference ang mga dokumentong nasa ilalim ng The Principles and Guidelines hinggil sa Continental Shelf Boundary.
Kaugnay nito, muling pinagtibay nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at counterpart nitong si Minister Retno L. P Marsudi ang negosasyon ng Continental Shelf Boundary bilang sideline ng UN General Assembly.
2014 nang magkasundo ang Pilipinas at Indonesia na limitahan ang kanilang Exclusive Economic Zones.