Tinitingnan na ng Pilipinas ang posibleng investments mula sa American Companies sa pagtatayo ng mga small modular nuclear power plant sa ilang piling lugar sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Trade secretary Alfredo Pascual matapos ang Philippine Economic Briefing sa New York, na dinaluhan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at mga opisyal ng tatlong kumpanyang maaaring mamuhunan sa modular nuclear power plants.
Ayon kay Pascual, kabilang sa mga nakausap ni Pangulong Marcos ang US-based Nuscale Power Company.
Tinatanya pa anya nila ang posibilidad na maaaring ilagay ang isang modular reactor sa isa sa mga Isla, Tulad sa Palawan.
Aminado naman ang Kalihim na nakikipag-usap din sila sa iba pang kumpanya na hindi lamang gumagawa ng modular reactors, kundi maging ng mas malalaking Nuclear Power Plant.