Isa ang Pilipinas sa mga bansa na may pinaka-siksikang silid-aralan sa buong Asya.
Ito ayon kay ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio, ay batay sa lumabas na datos ng UNESCO Institute for Statistics.
Nasa 43.9 aniya ang lumabas na average size ng mga elementary school sa Pilipinas, mas mataas kumpara sa 31.7 class size sa Malaysia at 23.6 sa Japan.
Bukod sa elementary schools, sinabi ni Tinio na malala na rin ang sitwasyon sa mga public high school sa bansa kung saan umaabot sa 56.1 ang average na class size ng mga estudyante.
Ayon kay Tinio, umaabot ng animnapu (60) hanggang walumpu (80) ang mag-aaral sa loob ng isang silid-aralan na nagiging dahilan ng paghina ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
—-