Kabilang ang Pilipinas sa 45 bansa na nangakong babawasan ang kanilang greenhouse gas emissions upang maprotektahan ang kalikasan.
Sa inilabas na pahayag ng 26th United Nations Climate Change Conference of the Parties (COP26), dapat na mapalakas ang mga programa na makakatulong upang hindi na lumala ang global warming.
Isa sa mga tinutukan ng COP26 summit ay ang layuning hindi tumaas sa 1.5 degree celsius ang global temperature.
Kaugnay nito, nakiisa ang Amerika, Japan, Germany at ilang developing nation gaya ng India, Indonesia, Morocco, Vietnam, Ethiopia, Ghana, Uruguay, at Pilipinas, sa paggawa ng mga hakbang para maprotektahan ang kalikasan at pagsusulong ng ecological na pamamaraan ng pagsasaka.—sa panulat ni Hya Ludivico