Isa ang Pilipinas sa Asya sa prayoridad na mabigyan ng 7-milyong doses mula sa 1st tranche ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na ipapamahagi ng Estados Unidos sa ibang bansa.
Ito ay bahagi ng 80-milyong vaccine doses na planong ipamahagi ni US President Joe Biden sa mahihirap na bansa.
Ibibigay ang mga bakunang ito sa pakikipagtulungan sa Covax facility, ang global vaccine sharing facility.
Maliban sa Pilipinas, kasama rin sa mabibigyan ay ang Laos, Thailand, Papua New Guinea, Taiwan, Pacific Islands, India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, Afghanistan, Maldives, Malaysia, Vietnam at Indonesia.
Magbibigay din ang Covax ng 6-milyong doses sa South at Central America habang 5-milyong doses naman sa Africa.