Inihayag ni OCTA Research Fellow Dr. Guido, na isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may pinakamababang bilang ng mga naturukan ng booster shot bilang proteksiyon sa COVID-19.
Ayon kay David, sa kabila ng pagsisikap ng dating administrasyon na mapataas ang booster coverage ay napako na ito sa 15 milyon.
Mababatid na umabot na sa 71 million na mga Pilipino ang nakatanggap ng una at ikalawang dose ng COVID vaccine.
Samantala, kasabay ng pag-himok sa publiko na magpa-booster na ay nananawagan din si David kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling ikasa ang vaccination para sa booster ng mamamayan laban sa nasabing sakit.