Tatanggalin na ang 47 na bansa kasama ang Pilipinas mula sa travel red list ng United Kingdom hinggil sa COVID-19 pandemic.
Ito’y ayon sa U.K. officials na magsisimulang tumanggap ng mga byahero sa Oktubre 11 na kabibilangan ng mga non-british nationals at walang residency permit.
Bukod dito, sasailalim sa COVID-19 test ang mga byaherong nakatanggap na ng kumpletong bakuna na inaprubahan ng U.K. habang ika-quarantine naman sa loob ng sampung araw ang mga nakatanggap lamang ng unang dose.
Samantala, ang mga COVID-19 vaccines na naaprubahan ng U.K. ay oxford-aztrazeneca, pfizer-biontech, moderna at jansenn.
Para sa mga nakatanggap na ibang bakuna, ay dapat na sumailalim sa protokol ng mga hindi pa full-vaccinated na byahero.—sa panulat ni Airiam Sancho