Isa ang Pilipinas sa Asya sa prayoridad na mabigyan ng 7-M doses mula sa 1st tranche ng COVID-19 vaccines na ipapamahagi ng Estados Unidos sa ibang bansa.
Ito ay bahagi ng 80-M vaccine doses na planong ipamahagi ni US President Joe Biden sa mahihirap na bansa.
Ibibigay ang mga bakunang ito sa pakikipagtulungan sa Covax facility, ang global vaccine sharing facility.
Maliban sa Pilipinas, kasama rin sa mabibigyan ay ang Laos, Thailand, Papua New Guinea, Taiwan, Pacific Islands, India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, Afghanistan, Maldives, Malaysia, Vietnam at Indonesia.
Magbibigay din ang Covax ng anim na milyong doses sa south at central America habang 5-M doses naman sa Africa.