Ibinabala ng FBI o Federal Bureau of Investigation ng Amerika na isa ang Pilipinas sa mga hotspot o madalas na target ng pedophile para sa child trafficking sunod sa mga bansa sa South America gayundin sa Africa.
Ayon kay FBI Special Agent Michael Van Aelstyn, tila naka-aalarma ang tatlumpung porsyento ng mga banyaga kanilang binabantayang dumayo sa bansa para kumuha ng mga kabataang kanilang aabusuhin.
Binigyang diin pa ng FBI ang datos mula sa Philippine National Police ng mga lugar na madalas umanong maging target ng mga pedophile tulad ng Taguig City, Cebu, Iligan City, Pampanga at Tarlac.
Sinasabing mataas umano ang kaso ng mga batang inaabuso mula sa mga nabanggit na lugar partikular na ang online sexploitation na ayon sa FBI ay palala na ng paalala.
Babala pa ng FBI, hindi lamang anila sa mga tahanan nagtatapos ang pang-aabuso sa mga kabataan dahil maaari rin itong mangyari sa mga internet cafe’s na madalas maging puntahan ng mga ito.