Itinuturing na pinakadelikadong bansa sa Asya ang Pilipinas para sa mga tagapagtanggol ng Inang Kalikasan.
Ayon ito sa watchdog na Global Witness na nagsabi pang ikalawa ang Pilipinas sa Colombia sa mga bansa sa mundo na most dangerous para sa land defenders.
Sa report ng Global Witness 43 ang nasawi sa Pilipinas partikular mula sa Mindanao at Negros kumpara sa 30 lamang nuong 2018.
Lumalabas din sa report na kalahati ng mga naitalang pagpatay na nangyari simula nang manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte nuong 2016 ay ini-uugnay sa armed forces o paramilitary groups.
Kabilang sa mga nasawi ay indigenous leaders, magsasaka at mga empleyado ng gobyerno na inatasang mangalaga sa kalikasan.
Ipinabatid pa ng Global Witness na mahigit kalahati ng bilang ng mga nasawi ay may kaugnayan sa agribusiness at 16 na insidente ng pagpatay ay iniuugnay sa mining na maituturing na pinakamataas na bilang sa buong mundo