Nanindigan si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. na mananatili ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.
Ngunit sa kaniyang pagbisita sa Washington D.C., sinabi ni Yasay na hindi uubrang kastiguhin ng Amerika ang Pilipinas sa mga usapin ng human rights.
Binigyang diin ng Kalihim, malinaw ang mga naging paliwanag ng Pangulong Rodrigo Duterte nang ihayag nito ang matinding problema ng bansa sa iligal na droga na kailangan nitong matuldukan.
Nilinaw din ni Yasay ang pahayag ng Pangulong Duterte hinggil sa pagpapaalis sa mga sundalong Amerikano sa Mindanao ay upang ilayo ang mga ito sa panganib mula sa banta ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Gayunman, tila kinontra ni Yasay ang pahayag ng Pangulo hinggil sa joint military patrol sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na aniya’y magpapatuloy bilang pagtupad sa pangako sa Estados Unidos.
By Jaymark Dagala