Kabilang pa rin ang Pilipinas sa listahan ng pinaka-corrupt na bansa sa daigdig.
Ito ay batay sa lumabas na resulta sa Global Corruption Perception Index 2017 kung saan pinag-aaralan o inoobserbahan kung ang isang bansa ay may ginagawang kampaniya kontra katiwalian.
Sa pinakahuling resulta, bumagsak ang bansa mula sa 35 puntos noong 2016 na naging 34 na puntos nito lamang nakalipas na taong 2017.
Gumamit ang nasabing pag aaral bilang pagtaya o iskala na zero hanggang one hundred, zero para sa pinakatamataas na antas ng korapsyon sa bansa habang isandaan bilang pinaka malinis na pamahalaan.
Dahil dito sa kabuuang 180 bansa nasa ika-111 puwesto ang Pilipinas mula sa ika-101 puwesto noong 2016.
Pinakahuli naman sa listahan ang bansang Somalia na nakakuha ng siyam na puntos samantalang nangunguna naman ang New Zealand na may 89 na puntos na sinundan ng Denmark sa iskor na 88.
Posted by: Robert Eugenio