Umanib din ang Pilipinas sa 141 bansang tumutol sa pananakop ng Russia sa Ukraine.
Sa isang Emergency Special Session ng United Nations General Assembly kahapon, bumoto ng “yes” si Permanent Representative of the Philippines to the UN Enrique Manalo sa resolusyong kumokontra sa hakbang ng Russia.
Ayon kay Manalo, nananawagan ang gobyerno ng Pilipinas na itigil na ang bakbakan sa halip ay tutukan ang pagsaklolo sa mga sibilyan lalo’t unti-unting lumalawak ang humanitarian crisis.
Dapat din anyang matiyak na magkakaroon ng “safe access” sa humanitarian assistance ang lahat ng sa Ukraine.
Alinsunod sa resolusyon, iginigiit ng mayorya ng mga UN member sa Russia na paalisin na ang mga tropa nito sa Ukraine at kinundena rin ang desisyon ni Russian President Vladimir Putin na i-umang na ang kanilang mga armas nukleyar.