Mananatili ang ekonomiya ng Pilipinas bilang pinakamalakas sa buong mundo sa paparating na dekada.
Binigyang diin ito ni Simon Baptist, Global Chief Economist ng Economist Intelligence Unit (EIU) at managing director for Asia dahil sa aniya’y demographic sweet spot at educated workforce.
Sa kaniyang report na: “the next decade”, ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay kalahati ng bilis sa 2020’s kumpara sa 2010’s.
Tinataya ni Baptist na sa 2020’s, ang pinakamabilis na paglago ng ekonomiya ay sa Africa maliban sa Nigeria at sa Southeast Asia ay Bangladesh, Kenya at Pilipinas na mayroong young population.
Una nang inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na inaasahang maaabot ng Pilipinas ang pagiging demographic sweet spot at inaasahan din ang malaking tulong ng milyun milyong Pilipino sa workforce para higit pang sumipa ang ekonomiya ng bansa.