Isa sa lubos na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa Southeast Asia ang sambahayan sa Pilipinas.
Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Asian Development Bank kung saan 84% ng sambahayan sa bansa ang naapektuhan ang kita dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ang may pinakamalalang epekto kasunod ng Indonesia na mayroong 81% at Myanmar na may 78%.
Lumabas din sa survey na mayroong isang tao sa kada 73% ng sambahayan sa bansa ang nawalan o nabawasan ang oras ng trabaho dahil sa pandemya.
Batay sa Philippine Stastics Authority, 10% o naglalaro sa 4.6 milyong adult Filipino ang walang trabaho simula nuong Hulyo.