Napabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinaka-malaking income inequality o agwat ng suweldo o kita ng mga mahihirap kumpara sa mayayaman.
Batay sa report ng World Bank, nasa pang-labinlimang pwesto ang Pilipinas mula sa animnapu’t tatlong bansa pagdating sa wealth gap.
Lumabas sa report na ang top 1 percent ng mga pilipinong kumikita ay nakakukuha lamang ng 17 percent ng total national income habang fourteen percent ng nasabing sweldo ay pinaghahatian pa ng bottom 50 percent.
Ipinaliwanag ng World Bank na ang “inequality” ay nangangahulugang hindi pagkakapantay-pantay ng oportunidad; kakayahan sa pagkuha ng de-kalidad na edukasyon at social norms na nagpapahirap sa kababaihan.
Kahit pa anila bumaba ang poverty rate sa bansa, nasasayang ang potensyal ng mga mamamayan dahil sa inequality.
Sa kabila nito, tiniyak ng National Economic Development Authority na mayroong nakalatag na hakbang ang pamahalaan matapos ang ulat ng world bank.
Inihayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na handa ang gobyerno na tugunan ang wealth gap at sa katunayan ay bumuo na sila ng ‘8-point socioeconomic agenda na tututok sa mga problema gaya ng kahirapan.