Pasok ang Pilipinas sa 20 mga bansang nangungunang pinagmumulan ng dirty money o iligal na mga transaksyon sa buong mundo.
Ito ay batay sa pinakahuling report na inilabas ng global financial integrity na naka-base sa Washington, DC.
Nakuha ng Pilipinas ang ika-labing siyam na puwesto matapos na maitala ang kabuuang 90.25 bilyong dollar na mga iligal na pera simula noong 2004 hanggang 2014.
Tinukoy na ang pangunahing pinagmumulan ng naturang mga dirty money ay ang smuggling kung saan hindi kumikita ng tama ang gobyerno dahil sa hindi tamang pagbabayad ng taripa.
Nanguna naman sa listahan ang China na sinundan ng Russia, Mexico, India at Malaysia.
By Rianne Briones