Isa ang Pilipinas sa mga least peaceful countries sa buong mundo.
Ito ay batay sa datos ng Global Peace Index 2017 kung saan nasa ika-138 puwesto ang Pilipinas sa isang daan at animnapu’t tatlong (163) mga bansa habang pangalawa naman ang bansa sa pinakamababa sa Asia Pacific kasunod ng North Korea.
Ayon sa report, nag-deteriorate o bumaba ang overall score ng Pilipinas simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinukoy rito na ang pagtaas ng krimen at ang madugong giyera ng pamahalaan laban sa iligal na droga ang dahilan ng pagbaba ng societal safety and security indicators ng bansa.
Binanggit rin sa report ang pagtaas ng homicide rate, bilang ng mga nakukulong at namamatay dahil sa mga internal conflicts, at extrajudicial killings.
Ang Global Peace Index ay ang nangungunang tagasukat ng kapayapaan sa buong mundo.
By Krista de Dios
Pilipinas kabilang sa mga least peaceful na bansa sa mundo was last modified: June 7th, 2017 by DWIZ 882