Pinangalanan ng United Nations Office on Drugs and Crime ang Pilipinas, bilang isa sa pinakamalaking scamming hub sa Southeast Asia.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission Spokesman Winston Casio, ang deklarasyon ay duloy ng mga iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Binigyan-diin ni Spokesman Casio, na kaya rin nagdesisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagbawal ang mga POGO ay dahil binibigyan nito ang bansa ng masamang imahe sa international community.
Samantala, aminado naman ang PAOCC Official na malawak ang network ng mga sindikato sa POGO.
Nabatid na nakatutok ang nasabing tanggapan ng UM sa kampanya laban sa iligal na droga at international crime at habulin at parusahan ang mga nasa likod ng human trafficking.