Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa kung saan nagpatupad ng travel ban ang Bahrain.
Batay sa anunsyo ng Bahrain Civil Aviation Affairs, ipinagbabawal ang pagpasok ng mga biyahero mula sa 16 na bansa na kasama sa kanilang tinatawag na “red list”
Bukod sa Pilipinas, kabilang dito ang Tunisia, Iran, Iraq, Mexico, South Africa, Indonesia, India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh at Nepal.
Hindi naman kasama sa ban ang mga biyaherong citizen o residente na mayroong valid residency visas.