Nakiisa na ang Pilipinas sa bagong tratado na nagbabasura sa nuclear weapons program.
Kinatawan ng Pilipinas si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na lumagda sa Treaty on the Prohibition of Nuclear Weapons.
Binigyang diin ni Cayetano na magiging ligtas lamang ang buong mundo kung aalisin o mawawala ang lahat ng weapons of mass destruction.
Tiniyak ni Cayetano ang kahandaan ng Pilipinas na gumawa ng hakbang para maalis ang weapons of mass destruction kasama ang mahigit 100 bansa na miyembro ng United Nations o UN.
—-