Ipinagmalaki ng Malakaniyang na aabot na sa tatlo at kalahating milyong Pilipino na ang naisasailalim sa COVID-19 test sa buong bansa.
Ito’y bunsod na rin ng bumubuti nang critical care capacity ng Pilipinas dahil natuto na ang pamahalaan sa mga pagkakamali nito sa nakalipas na mga panahon.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, tila naabot na ng Pilipinas ang mababang mortality rate sa COVID-19 na nasa 1.75% o katumbas ng 5,562 na naitalang bilang ng nasawi.
Dahil diyan, tiniyak ng pamahalaan na kayang-kaya na ng bansa na pangalagaan ang mga pasyenteng una nang nagpositibo sa COVID-19 mula sa mild hanggang severe cases.