Kumpiyansa si English coach Scott Cooper na kayang talunin ng Pilipinas ang tatlong malalakas nitong kalaban sa AFC Under-23 Asian Cup Group H qualifiers, kabilang ang kasalukuyang Asian Under-23 champion na South Korea.
Sa isang online press conference, binanggit ni Cooper na maliban sa SoKor ay makakasagupa rin ng mga Pinoy ang Singapore at Timor Leste.
Maghaharap naman ang mga koponan ng South Korea at Pilipinas sa Lunes, October 25, sa Jalan Besar Stadium sa Singapore.