Inihayag ng Department of Energy (DOE) na kayang magtayo ng nuclear power plant sa bansa.
Ito ang sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. sa gitna ng nabubuhay na usapin hinggil sa posibilidad na paggamit ng nuclear energy dito sa Pilipinas.
Ani Erguiza ang tawag umano dito ay Small Modular Reactors na aniya’y trend sa buong mundo at kayang ilagay lamang ang sukat na 5 meters by 5 meters.
Dagdag pa ng DOE official na kaya itong gawin ng gobyerno gayung ang National Power Corporation aniya ay maaaring magpatayo ng mga power generation sa missionary areas o mga lugar na hindi konektado sa grid natin.