Nakatitiyak si House Ways and Means Committee chair Joey Salceda na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa Vietnam at India bilang fastest growing economy sa Asia-Pacific Region ngayong taon.
Inaasahan din ni Salceda ang pagbaba ng inflation rate sa susunod na taon.
Unti-unti namang bumabalik ang tiwala ng mga pribadong sektor na maibabalik sa pre-pandemic level ang unemployment rate sa bansa.
Anang mambabatas, kailangan lang na maging agresibo ng pamahalaan upang maibenta ang Pilipinas bilang manufacturing destination.
Ito ay matapos makapagtala ng highest annual growth rate na 76.4% ang manufacturing sector noong Oktubre nang nakaraang taon.
Samantala, sinabi rin ni Salceda na dapat mahimok ang investors sa BPO at technological manufacturing sector na mamuhunan sa Pilipinas, kasunod ng paglipat ng mga semi-conducting manufacturing company mula China patungo sa mga bansa na kaalyado ng Amerika. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
previous post