Walang kaduda duda na kakayanin ng Pilipinas ang tumindig sa sariling mga paa ahit na mawala na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.
Reaksyon ito ni Senador Panfilo Lacson sa pahayag ni AFP chief of staff Felimon Santos Jr. na kumpiyansa sya sa kapabilidad ng Pilipinas na tumayo at mabuhay nang wala ang VFA sa Amerika.
Ayon kay Lacson, kilala ang mga pinoy sa pagiging matatag at matibay lalo na ang ating mga sundalo dahil marunong tayong mag adjust at mag improvise kapag may krisis.
Sinabi ni Lacson na tutuo namang hindi perpekto para sa Pilipinas ang VFA pagdating sa pagiging patas subalit hindi anya katanggap tanggap ang timing at ang rason kung bakit kinansela ang VFA sa Amerika.
Matatandaan na ang pagkansela sa U.S. visa ni Senador Ronald Dela Rosa ang nag udyok sa Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang VFA sa Amerika —ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19).