Kinondena ng Pilipinas ang magkakasunod na ballistic missile tests na isinagawa ng North Korea.
Hinimok naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang North Korea na sumunod sa polisiya ng United Nations at sa obligasyon nito sa mundo.
Matatandaang nagpakawala ng mahigit sampung missile ang Pyongyang kung saan isa ang lumampas sa Northern limit line ng bansa.
Siniguro naman ng south korean military na handa sila sa anumang aksyon ng North Korea habang nakikipagtulungan din sa Amerika para paigtingin ang pagbabantay sa Korean Peninsula.
Nagbabala naman ang North Korea na kung magpapatuloy ang air drill ng ugnayang US-South Korea, ay pagbabayarin nila ito.—mula sa panulat ni Hannah Oledan
previous post