Pinawi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pangamba hinggil sa abiso ng Japan tungkol sa bantang pag-atake ng mga terrorista sa Timog – Silangang Asya.
Ayon sa Kalihim, mahigpit na binabantayan ng intellegence community partikular na sa rehiyon ng ASEAN ang galaw ng mga terrorista upang agad itong mapigilan.
Dagdag pa ni Lorenzana, kokunsultahin nila ang Japan hinggil sa naging batayan nito sa kanilang inilabas na travel advisory dahil seryoso aniya ang naturang banta.
Sinabi pa ng Kalihim na patuloy nilang inaalam sa ngayon kung ilan ang mga sinasabing suicide bombers sa bansa dahil batay sa datos, ilan sa mga ito ay namatay na habang ang ilan naman ay naaresto.
Gayunman, tiniyak ni Lorenzana na patuloy ang kanilang pagpupursigeng pigilan ang anumang banta ng terrorismo sa bansa at kumikilos ang Pamahalaan hinggil dito.