Sa ikatlong sunod na buwan, napako ang pilipinas sa pagiging kulelat sa Bloomberg Global COVID-19 resilience ranking.
Nananatili sa 53rd place ng bagong Bloomberg report ang bansa pagdating sa pagharap sa COVID-19 pandemic.
Umani lamang ng 43.1 points ang Pilipinas sa kabila ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 habang nasa bottom 2 ang Indonesia, na may 46.1 points.
Bagaman bumabaha na ng bakuna sa Pilipinas at tumataas ang vaccination rate, inihayag ng bloomberg na hindi pa ito sapat upang makalayas ang bansa sa pagiging kulelat sa ranking.
Batay sa datos, ang Pilipinas at Indonesia ay ilan sa 11 mula sa 53 bansa na nakapagturok na ng hindi aabot sa 100 vaccine shots per 100 people kaya’t kapwa nakakuha ng mababang marka. —sa panulat ni Drew Nacino