Nangulelat ang Pilipinas sa global Coronavirus recovery index.
Batay ito sa Nikkei COVID-19 recovery index score kaugnay sa infection management, vaccination rollout, programs at social mobility.
Sa Setyembre 30 index score ng 121 bansa, lumagpak sa 121st spot ang Pilipinas mula sa 120th rank noong Agosto 31 habang pumalit sa 120th ang Vietnam.
Kabilang sa pinagbatayan ang mababang vaccination rate ng bansa kung saan 30% pa lamang ng populasyon ang nababakunahan.
Samantala, bumulusok naman sa 9th spot mula sa 1st spot ang China, na sinasabing pinagmulan ng COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Drew Nacino