Kulelat pa rin ang Pilipinas sa katatagan o resiliency sa pandemya.
Batay sa ulat ng Bloomberg, pang huli ang Pilipinas sa 53 bansa at nakakuha ng pinakamababang resilient iskor na 40.5
Ayon sa Bloomberg report, pinakamalala ang vaccine coverage o antas ng pagbabakuna sa bansa kung saan 26% ng population lamang ang fully vaccinated kontra COVID-19.
Naapektuhan rin ang resilient iskor ng bansa sa ginawang paghihigpit sa mga bata sa mall at iba pang pampublikong lugar at sa international travel.
Binanggit din ang umano’y konserbatibong paraan ng bansa sa pagbubukas ng ekonomiya.
Matatandaang, nuong nakaraang buwan panghuli rin ang Pilipinas sa COVID-19 resilience ranking kung saan nakakuha lamang ito ng iskor na 40. 2.