Muling lumagpak ang Pilipinas sa pinakahuling pwesto ng safest countries ng international monthly magazine na Global Finance.
Umani ang bansa ng score na 14.8999 upang bumagsak sa pinakakulelat na 134th place.
Pinagbatayan ng magazine ang ilang factor tulad ng war at peace; personal security at banta ng natural disaster kabilang ang COVID-19.
Ginamit ding basehan ng nasabing magazine ang World Economic Forum at Global Institute for Peace.
Ayon sa global finance, bagaman mababa ang COVID death toll sa Pilipinas, Nigeria, Yemen at El Salvador, mababa naman ang naging performance ng mga nasabing bansa pagdating sa overall safety.
Nanguna naman sa listahan ang Iceland Na may score na 3.9724 na sinundan ng United Arab Emirates, 4.2043 at Qatar na may 4.5609. —sa panulat ni Drew Nacino