Tinanggal ng United Kingdom sa kanilang COVID-19 red list countries ang Pilipinas, simula kahapon.
Kinumpirma ng British Embassy sa Pilipinas na mula sa 54 na bansa, pito na lang ang naiwan sa listahan.
Ito ang Panama, Colombia, Venezuela, Peru, Ecuador, Haiti, at Dominican Republic.
Ayon sa embahada, hindi na kailangang sumailalim sa quarantine at manatili sa hotel ang mga biyahero mula sa Pilipinas.
Kailangan lamang nilang magpa-book para sa COVID-19 test na dapat isagawa dalawang araw bago dumating sa britanya at kumpletuhin ang passenger locator form.
Nilinaw din ng embahada na maaari pa ring bumiyahe ang mga pasaherong hindi pa fully vaccinated basta’t magpapa-COVID-19 dalawang araw bago dumating at mag-book at magbayad para sa test bago ang biyahe.—sa panulat ni Drew Nacino