Kumpiyansa ang Pilipinas na magkakaroon na ng linaw ang reklamong isinampa ng Pilipinas laban sa China hinggil sa usapin sa West Philippine Sea.
Ito’y kahit patuloy ang pagtanggi ng China na kilalanin ang hurisdiksyon ng International Arbitral Tribunal sa the Hague, Netherlands
Ayon kay Paul Reichler, Chief Counsel ng Pilipinas sa the Hague, naniniwala siyang lalambot din ang posisyon ng China sa usapin dahil sa pressure na matatanggap nito sa international community.
Dahil dito, sinabi ni Reichler na posibleng magkaroon na ng paborableng desisyon hinggil dito ang arbitral court sa kalagitnaan ng susunod na taon.
By: Jaymark Dagala