Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang magbubunga ang mga ginagawang hakbang para makamit ang kapayapaan sa Korean Peninsula.
Iyan ang inihayag ng Pangulo matapos ang pulong sa pagitan nila ni South Korean President Moon Jae – In na isinagawa sa Presidential Blue House sa Seoul kahapon.
Personal ding pinapurihan ng Pangulo ang Sokor dahil sa matagumpay nilang pagdaraos ng Inter – Korean Summit o ang makasaysayang pulong sa pagitan nila President Moon at North Korean Supreme Leader Kim Jong Un.
Positibo rin ang Pangulo na ang pag-uusap na iyon ang hudyat upang tuluyan nang talikuran ng Nokor ang nuclearization sa naturang bansa.