Giyera ang nakikitang solusyon ng Pangulong Duterte upang matapos ang agawan sa ng teritoryo ng China at ng Piipinas sa West Philippine Sea (WPS) subalit hindi Pilipinas ang magsisimula ng bakbakan.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan kasunod ng pangambang posibleng matalo ang bansa laban sa China oras na mangyari ito.
Until such time, you know, we can take it back,ang akin lang walang iba, giyera lang. If we promote a war against China and America medyo siguro madadalian pero what cause to us ayan ang problema. Iyan talaga ang problema. We can only retake it by force, there is no way that we can get back the tawag nilang Philippine Sea without any bloodshed, iyan talaga ang totoo, maski anong sabihin ng mga military…If we go there…it would be bloody. It could result to a violence that we could not maybe win. Ang problema nito we have always well, sided with the America in so many issues including this one.Pero kung sabihin mo that the America will go to war because of the Philippine Sea, tapos tayo ang mag-umpisa…only if we are being attack and assorted does not include a war initiated by us,” pahayag ng Pangulong Duterte.
Dagdag ng Pangulo,na kung sa mismong sa administrasyon niya nangyari ang isyu sa WPS ay hindi niya hahayaang paalisin ang mga barko ng Pilipinas doon.
Ang totoo niyan, susmaryosep, ayaw ko lang magyabang kung mangyari uli ‘yan…But I dont want any quarrel but in a situation like that if repeated in my administration, I think there will be going a talagang hindi ako aalis, saka kung may barko ako diyan ngayon, ang coastguard nandiyan talagang hindi ako aalis. I will not… If they were driven away, I will tell them to stay put!,” wika ng Pangulo.
Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ang Pangulo sa China.
I am addressing myself to the Chinese government,we want to remain friends …Sinabi ko naman sa inyo, I am not so much interested in fishing, but when we start to mine, we start to get, whatever it is in the bowls of the China sea, sa ating oil diyan na ako. That time I will send my ships there,” pahayag ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Agustina Nolasco