Nilinaw naman ng Phivolcs na walang naging banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang malakas na lindol sa Southeastern Taiwan kahit malapit lamang ito sa Batanes, kahapon.
Una nang naglabas ng tsunami alert ang Japan meteorological agency matapos ang magnitude 6.9 na pagyanig, kahapon pero agad ding binawi makalipas ang mahigit isang oras.
Mag-a-alas-3 ng hapon nang yumanig ang malakas na lindol at natunton ang sentro sa Taitung county.
Bago nito, niyanig din ng magnitude 6.4 na lindol ang Taiwan noong Sabado ng gabi.